Sunday, February 10, 2008

PROGESTERONE vs ESTROGEN: a fight for the love of Testosterone

Characters:
Estrogen, babae. Matapang. Matalino
Progesterone, woman-of-the-century. Maganda.
Testosterone, lalaki. mahilig sa salitang "guys"


estrogen: nawala ka. tapos ngayon babalik ka! anong ibig sabihin no'n?
progesterone: binalikan ko siya!
estrogen: bakit? mahal ka pa ba niya?
progesterone: at sino namang may sabi sa'yo na hindi na niya ako mahal?
estrogen: . . .
progesterone: ano? wala kang masabi no? kasi alam mong mahal pa niya ako!
estrogen: teka nag-iisip pa ako ng sasabihin. hapit ka naman eh.
progesterone: sige, take your time.
estrogen: game, bakit mo ba kasi siya iniwan? di mo ba alam na amsakit sa kanya yun?
progesterone: alam mo kung bakit? kasi kailangan kong mabuhay. 'yung pamilya ko, yung mga
kapatid ko...
estrogen: kung may tiwala ka sa kanya, dapat hinayaan mo siyang buhayin ka...
progesterone: that is not my point! hindi lang ako ang dapat niyang buhayin.
estrogen: maganda naman ang trabaho niya! kayang kaya ka niyang pag-aralin, pati yung mga kapatid mo.
progesterone: ayokong dumepende sa kanya, alam mo ba 'yun?


Papasok si Testosterone...


testosterone: guys, what is happening here guys? uy guys, progesterone, andito ka na pala guys..
kamusta na guys? how's your career? sikat ka na ba guys?

estrogen at progesterone: . . .

Saturday, February 2, 2008

This is a Test Post

Cloverfield vs. Saw 4= Winner: CLOVERFIELD
Cloverfield vs Deception Point= Winner: CLOVERFIELD
Cloverfield vs. Lasagna= Pwede Both?!




February 1, 2007 | Robinson's Metro East
5:30pm

Kumain muna ako ng matagal-tagal ko na ring pinaglawayan at pinanabikang lasagna sa Greenwich bago manood ng Cloverfield. Hindi ako nagbasa ng spoiler sa net para naman ganahan ako. Astig din yung pagkakagawa ng official movie poster nila- walang ulong Statue of Liberty , at tagline na "Some thing has found us'. Na-maintain nila yung 'mysterious' effect ng prime villain maging sa mga trailers.

Habang galak na galak akong lumalamon mag-isa, may blue-shirted na lalaki na dumaan sa aking peripheral view. Kahit hindi ko nakita yung buong mukha niya, there's something that tell me "he is the one". LOL Kung hindi lang ako kumakain, sinundan ko na to. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain, baka magselos yung lasagna.

Naupo na ako. As usual, hinanda ko na ang aking sarili sa 30-minute na bakbakan ng mga trailers. Pang-apat na beses ko nang nakita yung trailer ng Jumper, at papanoorin ko yun.

Hindi karamihan ang tao kumpara sa blockbuster na Sakal, Sakali, Saklolo, kaya iginala ko muna ang aking mga mata. Hindi ko alam kung malabo na ba talaga ang mata ko, o napag-iiwanan na yung grado ng suot kong salamin- yung naka-blue kanina. Nakaupo siya dun sa dulong seat ng row na kinauupuan ko. "Lapitan ko kaya?" Magsisimula na. May humabol pa na tatlong mokong. Ang ingay.

Nagsimula na. Hirap man., sinubukan ko pa ring bantayan si Asul. "Aba, pepsimax ang hawak. Bat pala hindi ako bumili, asar."

After 45 minutes or so, nag-ingay yung dalawang mokong.

Mokong1: Putang ina, bat ganyan naman yung pagkakakuha. Parang hindi marunong cameraman nila. Anggulo. Indie ata to eh.

Mokong2: Tang ina, matatapos na lang ng ganyan yan. Walang istorya. Walang kwenta.

Mokong 3: Dapat 27 Dresses na lang pinanood natin, nagkamali ako ng pili.




Matapos ang 5 minutes, lumabas na rin yung tatlong non-reader ata kahit hindi pa tapos. Unti-unti na rin akong nahilo sa cinematography ng pelikula, kinuhanan kasi gamit ang isang videocam ang istorya, na sa dulo ay napakalaking papel ang ginampanan.

Nang matapos at nag-umpisa na ang credits thing, wla pang tumatayo- kahit ako at si Asul. "Suuuuuuuuuuuuuuuuuuuuper open-ended naman." Pero da best talaga ( sa mga nag read between and beyond the lines). Maya-maya, nagtayuan na, nagkahiyaan pa eh.

Nahilo talaga ako. Derecho baba na ako at gustuhin ko mang sundan saan man si Asul o kaya mag private reading sa National Bookstore ng Love in the Time of Cholera (kung saan daw BAWAL), hindi ko na tlaga kaya.

Nang makasakay ako ng jeep, dinagdagan pa ni manong ang paghihirap ko. "Tang ina mo manong, may bata naman." Akala mo ang lupet na ng jeep dahil sa flickering groups of lights and banking features nito, eh sa loob naman full album ni Celine Dion ang tugtog. "Lang yang buhay."

At hindi na ako makapaniwala pa ng nandun din si Asul. "Teka teka, totoo ba to? Taga padilla ba siya?!?' Nawala lahat ng sakit ng katawan ko sa isang iglap.

"Manong ibanking niyo! Ibanking niyo nang super blockbuster para mamatay na ako sa tuwa! Woooooooooooo!"

It makes sense, i see. Itinakda talaga ang Angel na kanta ni Mareng Celine. Nababaliw na talaga ako. Unti-unti nang kumokonti ang tao, lumuluwag, at mamaya magkatapat na kami -- knee to knee. Hihihi

Nang magkaharap na kami ni Asul, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. I hate these moments na feeling ko hindi ko mai-practice ang nakasaad sa Article 3 Section 4, to think na napakadaldal ko naman at certified abuser ako ng Right of Speech. "May hiya pa pala ako."

Nauna akong bumaba sa kanya. Tulad ng Cloverfield, suuuuuuuuuuuuuuuuuuuper open-ended ang istorya namin ni Asul.

"Kung hindi mo lang talaga siya kamukha."

Labels: Asul, Lovelives