Monday, January 26, 2009

Mga Tula mula kay Melamine Mania

pasensya ka na d., tinamaan ka na naman ng inihagis kong sama ng loob. pasensya ka na dahil habang tumatanda yata ako ay lalong tumitindi ang kawalan ko ng kontrol sa labis na galit. dalawang linggo lang ang nakalipas ay binasag ko naman sa harap mo ang basong pinag-iipunan natin ng barya. ewan ko ba, pero lumalala ang kagustuhan kong magbasag ng mga bagay kung magagalit ako ng sobra,

o/lalo kung hindi mo maiintindihan ang gusto kong sabihin sa'yo.pasensya ka na dahil alam kong hindi mo naman mahuhulaan na gusto kong samahan mo akong salubungin ang pagtatapos ng paborito nating buwan: disyembre. sabi mo nga, ang problema sa akin ay napipipi ako ng sobrang galit. kung gaanong kagaan ang kamay ko sa paghahagis ng mga bagay sa pader, siya namang ilap ng boses kong magpaliwanag o magtanong.

hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan mo akong itrato ka ng ganito. parati kong sinusubok ang iyong limitasyon. hindi ko na mabilang ang beses na ipinahiya kita sa mall. iniwan kitang nag-aantay sa taas ng escalator dahil lang sa may nasabi kang hindi ko sinang-ayunan. ilang beses na rin kitang sinigawan dahil paulit-ulit kang nagpapatranslate ng mga salitang ingles sa tagalog. wala akong pasensya sa iyo dahil hindi ka kasingtalas ng mga kaibigan ko. 75 ang pinakamataas na grade mo noong hayskul.paglipas ng ilang oras, humuhupa rin naman ang galit ko saiyo at pinagsisihan ko ang mga masasakit na salitang tinext ko sayo. hindi ka naman nagagalit o kahit nagtatampo manlang. umaalis ka at bumabalik ka.
tulad ko.

isang tulang nahanap sa world wide web.

BAGAHE
Tula ni Axel Pinpin
Wala tayong narinig sa isa’t-isanoong una mong paglisandahil kung anong higpit ng ating mga yakapsiya namang luwag nang pagpatak ng luhasa di nagpantay nating mga pisngi;waring nalimutan ng ating mga labiang kanyang “mag-iingat” at “hanggang sa muli”.Naalala na nating ngumiti at magbilinsa ikalawa mong paglipad.

Naroon pa rin ang higpit ng yakap ng pagtanggapat hibi ng mga luhang parang di nasasanay;nawika mo sa unang elektronikong liham:“Kuya, tayo na lang yata ang umiiyak ‘pag nasa airport,pinatahan na ang iba ng pangako ng dolyar.”Higit na pinaghiwalay ng rehas at ng iyong pag-ibigang paalaman natin sa pinakahuli mong biyahe.

Pinagulang na rin ng karanasan ang iyong yakapat ang luha mo noo’y pang-unawa ang hanap.Sa mensahe mo bago ka lumulan ng eroplano:“Kuya, over-baggaged ako. Mabigat ang kalamay,at alamang. Kung pwede sana, di ko na dalhin ang pag-aalalasa iyong paglaya, sa ating pamilya, sa aking kasintahanat sa ating Bayan.”

MELAMINE MANIA

No comments: