Thursday, September 18, 2008

Para kay *

Lagi kitang hinihintay.
Masyado ng pagal ang mga paa ko para habulin ka.
Naubos na ang pinakatipid-tipid kong laway,
iniipon ko ito para sa pag-amin ko sa iyo.
Sana binigyan mo ako ng pagkakataon.

Napagod na ako sa paghihintay.
Masyado ba akong maganda para sa iyo?
Masyado rin bang mataas ang I.Q. ko para makipagdebate sa 'yo?
Hindi mo ako hinayaang magpaliwanag.

Hindi na kita hihintayin.
Hindi ko na hihintayin ang panahong hahawakan mo ang mga kamay ko,
at sasabihin mong mahal na mahal mo ako,
at hindi mo ako kayang mawala sa buhay ko.

May mga plano tayo, alam mo ba?
Pero ako lang ang nakakaalam ng mga plano natin sa kinabukasan.


~schizo na ko.